^

PSN Showbiz

‘Paligayahin sana nang husto ni Coleen si Billy’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Inabot ng pitong buwan ang panliligaw ni Billy Crawford kay Coleen Garcia. Alam kong kung si Billy ‘yun ay forever na ang relasyon nila, pero bata pa si Coleen at baka magpalit pa ng isip. Sana, huwag na para maging masaya ang dati kong alaga.

Bunso ni Gov. Vi hindi magso-showbiz

Sa London na mag-aaral ng kolehiyo ang bunso ni Gob. Vilma Santos na si Ryan kaya baka nga hindi na ito makapag-artista. In fairness naman, puwedeng puwedeng artista ang younger brother ni Luis Manzano, pero mukhang mas malaki ang interes nito sa politics kaysa sa showbiz. Namana obviously sa pulitiko niyang ama na si Sen. Ralph Recto at maging sa kanyang ina. Baka nga mas malakas ang kaway dito ng pulitika kaysa sa kanyang kapatid na si Luis na enjoy na enjoy pa sa kanyang pag-aartista at paghu-host sa TV. Kung kaya wala pang nababalitaang desisyon ito tungkol sa sinasabi na pagtakbo niya sa pagka-mayor ng Lipa sa Batangas.

PBB All In pinakamaraming intriga

In fairness, interesting ang season ng Pinoy Big Brother (PBB) this year. Maraming housemates ang pinagpipistahan. Paano, magaganda ang indibidwal nilang kuwento. Tulad ng kuwento ng kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan. Maganda rin ang love story ni Vicky sa aktor na si Jason Abalos. Akala natin ay may romansa nang namamagitan between Jane and Joshua, dahil very physical sila. ‘Yun pala malambing si Jane kahit kanino, mapa-babae man o lalaki. At parang malaking threat kay Joshua ‘yung panliligaw pala ng basketbolistang si Jeron Teng kay Jane. Maapektuhan kaya nito ang relasyon ng dalawa sa loob ng bahay? Marami tayong aabangan sa pagpapatuloy ng buhay sa PBB All In.

vuukle comment

ALL IN

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

FIFTH PAGOTAN

JASON ABALOS

JERON TENG

LUIS MANZANO

PINOY BIG BROTHER

RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with