Cesar Montano beauty queen at model na si Sandra Seifert ang bagong girlfriend

Seen: Dapat aksyunan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at theatre operators ang problema sa mga sanggol na isinasama ng kanilang mga magulang sa loob ng sinehan.

Bukod sa nakakaabala sa panonood ng sine ang pag-iyak ng mga sanggol, mahina pa ang kanilang panlaban sa mga sakit na dala ng ibang manonood.

Scene: Ang conclusion na sinadya na ilabas ang video ng pagsampal ni Maricel Soriano kay Ding­dong Dantes sa confrontation scene nila sa Ang Dalawang Mrs. Real for publicity purposes. 

Seen: May beauty title, maganda, at bata kesa kay Sunshine Cruz si Sandra Seifert, ang babae na nali-link ngayon kay Cesar Montano. May mga sighting na magkasama sina Cesar at Sandra. 

Scene: Si Erich Gonzales ang prinsesa sa Once A Princess, hindi ang ibang mga co-star niya sa upcoming movie ng Star Cinema at Regal Entertainment Inc. 

Seen: Nanahimik si Claudine Barretto mula nang ilabas ni Raymart Santiago at ng lawyer nito ang mga litrato ng kanyang post-surgical procedure noong 2010. Asahan na may kinalaman ang pananahimik ni Claudine sa bagong pasabog na inihahanda niya bilang pangontra kay Raymart na mas pinaniniwalaan ngayon ng mga tao. 

Scene: Imbitado ang mga artista na pinasikat ng Sampaguita Pictures sa soft opening ngayong gabi ng The Sampaguita Gardens, ang events place na bagong business venture ng Vera Perez family. 

Seen: Donasyon para sa mga charitable organization na kanyang sinusuportahan at hindi mga personal na regalo ang hiling ni Alice Dixson para sa kanyang 45th birthday sa July 28. 

Scene: Past Tensed  ang working title ng Star Cinema movie nina Xian Lim, Kim Chiu, at AiAi delas Alas.

Sa July 29 ang first shooting day ni AiAi para sa Past Tensed.

 

Show comments