Huli na magkasama nung bumabagyo Jennylyn at Dennis nagkabalikan na?
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2014 - 12:00am

PIK: Makipagtunggali ang mga mainstays ng Sunday All Stars na sina Kyla, Julie Anne San Jose at  Maricris Garcia kay Regine Velasquez-Alcasid sa Buwis-Birit segment ng SAS na mapapanood ngayong araw.

Sasabayan pa sila ng buwis-buhay ding dance number nina Rochelle Pangilinan, Winwyn Marquez at Kris Bernal.

Nakita namin sa Instagram account ni Kris ang rehearsal niya ng pole dancing at ang galing-galing na niya pala.

PAK: Itinatanggi ni Bella Padilla ang napabalitang inisnab daw niya si Louise delos Reyes nang magkasabay silang mag-taping sa Celebrity Bluff kamakailan lang.

Sabi ng Kapuso actress, nagkausap daw sila ni Louise sa backstage. Inalok daw niya sa bida ng Kambal Sirena ang PA niya na hahawak muna ng bag nito.

Hindi nga lang daw niya nabati pagkatapos ng taping dahil nagmamadali daw siyang bumalik sa taping ng Magpakailanman.

Pero wala raw nangyaring dedmahan.

Pagkatapos ng taping, parang irita na si Louise at nabangga pa nito ang kotse ng isang writer ng Celebrity Bluff sa parking ng GMA 7 nang paalis na ito.

Si Louise lang kasi mag-isa doon sa taping at siya mismo ang nagda-drive, at sa pagmamadali niya may naatrasan itong kotse.

BOOM: Si Jennylyn Mercado ang nanalong Kontrabida of the Year sa nakaraang Yahoo! Celebrity Awards at natanong sa kanya doon sa awarding na ginanap sa SM Arena kamakalawa ng gabi ang tungkol sa kanyang love life pero mariin niyang itinatanggi.

Bukod sa basketbolistang si PJ Simon na inili-link sa kanya, napabalita ring may nangangamoy balikan daw sa kanila ni Dennis Trillo.

May nakakita raw sa dalawa na magkasama sa Oakwood sa Makati nung nakaraang Miyerkules habang hinahagupit ng bagyong Glenda ang buong Kamaynilaan. Itinatanggi ito ng Kapuso actress.

Pero ang latest, napansin naming nagsimula nang mag-follow sa isa’t-isa sina Dennis at Jennylyn sa kanilang Instagram account.

Baka friendship pa lang naman ang nabalik sa kanilang dalawa? Tingnan natin!

BELLA PADILLA CELEBRITY AWARDS CELEBRITY BLUFF DENNIS TRILLO INSTAGRAM ITINATANGGI JULIE ANNE SAN JOSE KAMBAL SIRENA KAPUSO KONTRABIDA OF THE YEAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with