^

PSN Showbiz

Vice Ganda sanay nang magdrama kapag may pinagdadaanan; Jackie Forster nagbebenta na ng mga gamit para matustusan ang may cancer na anak

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN :  Nasasanay na si Vice Ganda na humihingi ng paumanhin sa viewers ng It’s Showtime sa tuwing hindi siya nagre-report sa noontime show ng ABS-CBN dahil sa kanyang personal na problema.

Walang dapat ihingi ng paumanhin si Vice Ganda dahil ayaw ng mga tao na masyado niyang dina-dramatize ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

SCENE : Dapat bantayan ni Kris Aquino ang projection niya sa TV dahil hindi  kaaya-aya na panoorin ang kanyang pagpapa-cute at halos matiklop na mukha kapag nagre-react siya sa mga topic.

SEEN : Labo-labo na ang word war ng mga Barretto dahil nakisawsaw na rin sa isyu si Mikyle Quizon, ang boyfriend ni Dani Barretto.

Si Dani ang anak ni Marjorie Barretto na gina­gamit na rin ang social media upang ilabas ang sama ng loob sa kanyang Tita Claudine Barretto.

SCENE :  Walang binanggit na pangalan si Mikyle Quizon sa kanyang tweet  pero marami ang naghihinala na para kay Claudine Barretto ang  tweet niya na “ I’m sure she’s the one who killed herself online. attention seeker.”

SEEN :  Pumalo na sa 2 billion hits ang Youtube video ng Gangnam Style ng Korean pop singer na si Psy.

SEEN :  May premyo na matatanggap mula sa E! ang magpo-post ng kanilang Tweet at picture habang pinapanood ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show ng Gutierrez family na mapapanood ngayong gabi sa E!

SCENE :  Nasaktan ang ego ni Kylie Padilla dahil si Aljur Abrenica ang nakipaghiwalay sa kanya.

SEEN : Parehong-pareho ng mga content ang June 2014 issue ng YES! Magazine at Starstudio.

SCENE :  Bumalik ng bansa si Jackie Forster noong Biyernes dahil inasikaso niya ang pagbebenta ng mga gamit na hindi na nila kailangan ng kanyang pamilya.

Malaki ang gastos ng pamilya ni Jackie dahil sa leukemia illness ng kanyang anak na babae.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DANI BARRETTO

GANGNAM STYLE

IT TAKES GUTZ

MIKYLE QUIZON

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with