^

PSN Showbiz

Roxanne at Margarita makukulong din daw!

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Ang pangalawang rape accuser ng dancer-TV host-comedian na si Vhong Navarro na si Roxanne Cabanero ay mas malaking problemang kinakaharap ngayon, ang P1.6M damage suit laban sa kanya ng Slimmers World International na siyang organizer ng sinalihang patimpalak ni Roxanne, ang Miss Bikini Philippines.  Dahil sa kasong rape na isinampa ni Roxanne laban sa dating mister ni Bianca Lapus, na-drag ang pangalan at reputasyon ng Slimmers World Philippines at ng Miss Bikini Philippines kaya sila nagsampa ng moral damages sa dating kalahok ng nasabing patimpalak.

Mas malaking problema ang kinakaharap nga­yon ni Roxanne dahil hindi na lamang si Vhong ang kanyang kalaban kundi maging ang Slimmers World International na inaakusahan niyang nagsasabwatan.

I wonder kung saan din hahantong ang ikatlong rape accuser ni Vhong Navarro na parang may pattern ang pagsasampa ng kaso laban sa dancer-TV host-actor na si Margarita Fajardo.

Ang maganda kay Vhong, her current girlfriend na si Tanya Bautista stood by him sa kabila ng unos na kanyang pinagdaraanan.

Sana nga ay hindi totoong may kumausap lang sa kanila para gawin nila ang pagdedemanda. Sana ay may sarili silang pag-iisip na naalala nila na oras na mapatunayang hindi sila nagsasabi ng totoo ay mananagot sila sa batas.

Jinkee naisahan ni Mommy D

Habang mainit pa ring pinag-uusapan ang bagong panalo ng Pambansang Kamao na si Rep. Manny `Pacman’ Pacquiao laban kay Timothy Bradley, hindi rin nawawala sa usapan maging sa mga social sites ang ginawang pang-aagaw eksena ni Aling Dionisia o Mommy D. habang ongoing ang laban nina Pacman at Timothy Bradley last Saturday evening sa MGM, Las Vegas, Nevada.

Kung agaw-eksena si Aling Dionisia sa laban ng kanyang anak, tahimik lamang ang misis ni Pacman na si Jinkee Pacquaio habang pinapanood sa telebisyon ang laban ng kanyang mister kasama ang kanyang mga anak at mga kasambahay.

Kahit sa mga nakaraang laban ni Pacman na kung saan naroon si Jinkee ay never itong umagaw ng eksena sa kanyang asawa at never pa itong umak­yat ng ring para lapitan ang kanyang mister pagkatapos ng laban. Pero Aling Dionisia will always be Aling Dionisia, ang mahal na ina ng Pambasang Kamao na si Manny Pacquaio.

 

vuukle comment

ALING DIONISIA

LABAN

MISS BIKINI PHILIPPINES

MOMMY D

PACMAN

ROXANNE

SLIMMERS WORLD INTERNATIONAL

TIMOTHY BRADLEY

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with