Sunday All Star iri-reformat, ibang host tsugi na

Opinyon ni Heart kulang sa lalim!

Scene : Ang tanong kay Congressman Manny Pacquiao kung nagulat ba siya sa rami ng suppor­ters niya sa laban nila ni Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas.

“Hindi ako nagulat, nasorpresa lang,” ang sagot ni Pacquiao

Seen : Ang dialogue ni Marian Rivera sa eksena nila ni Alden Richards sa Carmela na “At least, kahit papaano…”

Scene : Gigil na gigil si Tom Rodriguez kapag kumakanta. Makikita ang panggigigil ni Tom sa trailer ng So It’s You habang kinakanta niya ang isang hit song ng Aegis. Ang So It’s You ang coming soon movie ng Regal Entertainment Inc.

Seen : May mga magpapaalam sa Sunday All Stars  dahil sa binabalak na reformat sa Sunday musical variety show ng GMA 7.

Scene : Makakaapekto sa  career ni Piolo Pascual ang mga press release tungkol sa retirement niya sa showbiz at plano na manirahan nang permanente sa Amerika.

Matagal na niya itong sinasabi.

Seen : Dalawang araw na nag-trending topic si Tates Gana dahil curious ang mga tao na malaman ang partisipasyon niya sa political career at personal na buhay ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Marami ang nakikisimpatiya kay Tates dahil ipinagpalit siya ni Bautista kay Kris Aquino.

Scene : Hindi nakakatulong si Heart E­vangelista sa Startalk dahil mabababaw ang kanyang mga opinyon sa mga showbiz issue na tinatalakay sa showbiz oriented talk show ng GMA 7.

Show comments