Aktor na walong beses nagpakasal natigok na

Seen : All over si Lance Raymundo sa mga TV show dahil sa aksidente na nangyari sa kanya.

Inspirasyon sa marami ang positive attitude ni Lance sa trahedya na pinagdaanan niya.

Nabagsakan ng barbell ang mukha ng singer/actor.

Scene : Bumalik kagabi sa Pilipinas ang cast ng Pepito Manaloto mula sa kanilang 5-day Asian cruise na mapapanood sa upcoming episodes ng top rating sitcom ng GMA 7.

Seen :  Pumanaw noong Linggo sa edad na 93 ang veteran Hollywood actor na si Mickey Rooney. Walong beses na nagpakasal si Mickey at ex-wife niya ang screen Goddess na si Ava Gardner.

Scene : Ang Bang Bang Alley at Da Possessed ng Star Cinema ang magbabakbakan sa takilya sa April 19, Black Saturday.

Ang Bang Bang Alley ang unang movie directorial job ni Ely Buendia.

Seen : Ang Catayungan Elementary School Annex ng Silom Primary School sa San Jose, Occidental Mindoro ang tumanggap ng  mga silya na donasyon ng Eat Bulaga.

Scene : Ngayon ang unang anibersaryo sa telebisyon ng The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon.

April 8, 2013 nang umere ang unang episode ng show at si Susan Roces ang kauna-unahang guest ni Aling Maliit.

Seen : Gold medal  ang napanalunan ni Michael Martinez sa Senior Men’s Division ng 2014  Triglav Trophy Ice Skating Tournament na ginanap noong Sabado sa Jessenice, Slovenia.

Scene : Ang statement ng direktor na si Jade Castro tungkol sa cast ng Diary ng Panget ng Viva Films : “A joy to see new movie stars (not TV) born: Nadine Lustre, James Reid, Andre Paras, Yassi Pressman, rest of young cast. Pls make more movies.”

Show comments