Natatabunan din ni Julia Kim may bitter image na!

SEEN: May “bitter image” ni Kim Chiu dahil apektado pa rin siya ng mga nangyayari kay Maja Salvador.

Mas mahusay umarte at kumanta si Maja kesa kay Kim.

SCENE: May balita na kakandidatong mayor ng Sta. Rosa City, Laguna sa 2016 elections ang aktor at Laguna 1st District House Representative Dan Fernandez.

SEEN: Nagpa-acupuncture ng tuhod si Richard Gomez bilang paghahanda sa laban ng Philippine Volleyball Team sa Asian Men’s Club Volleyball Championships na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa April 8 hanggang April 16.

SCENE: May lumbar problem si Ruffa Gutierrez dahil sa madalas na pagsusuot ng mga sapatos na matataas ang takong. Nakumbinsi ni Lolit Solis si Ruffa na subukan ang stem cell procedure.

SEEN: Ang social media workshop kahapon ng TV5 para sa kanilang mga contract star na babae. Dumalo sa workshop na ginanap sa The Fort, Taguig City sina Ritz Azul, Eula Caballero, Stephanie Rowe, Chanel Morales, at Valeen Montenegro.

SCENE: Teen King and Queen ang title na ibinigay ng ABS-CBN kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ipinagkatiwala ng ABS-CBN sa dalawa ang pagkanta ng PINASmile, ang theme song ng 2014 summer station ID ng Kapamilya Network.

SEEN: Sina Chef Boy Logro at Gladys Reyes ang tandem sa bagong morning talk show na ilulunsad ng GMA 7.

SCENE: Effortless na natatabunan ni Julia Montes si Kim Chiu sa mga eksena nila sa Ikaw Lamang ng ABS-CBN. Lu­tang na lutang ang natural na kagandahan ni Julia sa Ikaw Lamang.

Show comments