Hubad na pictures ni Roxanne pinagpapasa-pasahan na!

SEEN :  Hit na hit sa mga Pinoy ang diu­mano’y mga hubad na pictures ng pangalawang babae na si Roxanne Acosta na nag-aakusa kay Vhong Navarro ng panggagahasa. Pinagpapasa-pasahan at  hinuhusgahan  ang nude pic­ture ng babae.

SCENE : Ngayong hapon, 3:00 pm, ang mall show ng cast ng Innamorata sa Rambakan Drive, SM City, Baguio. Aaliwin nina Gwen Zamora, Jackie Rice at Max Collins ang mga manonood ng kanilang mall show.

SEEN : Pinaiksian ni Yassi Presman ang kanyang mahabang buhok para sa role niya sa Diary ng Panget. Idine­nay ni Yassi na malas sa buhay niya ang ex-boyfriend na si Sef Cadayona.

SCENE : Ikinalulungkot ng fans ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nalalapit na pagtatapos ng Got To Believe, ang kanilang top-rating teleserye sa ABS-CBN.

SEEN: Nawalan ng mga TV project si Will Devaughn dahil hindi na siya natuto na magsalita ng Tagalog. 

Si Roxanne Barcelo ang girlfriend ni Will.

SCENE : Ang The Singing Bee ang papalit sa timeslot ng Minute To Win It, ang game show ni Luis Manzano na nagpaalam kahapon.

SEEN : Punumpuno ng pagmamahal ang mga tingin ni Luis Manzano kay Angel Locsin nang maglaro ito sa dalawang huling araw na episode ng  Minute To Win It.

SCENE : Hindi na tinatanggap sa mga sinehan ng SM at Robinson’s ang movie passes na ipinamimigay ng mga movie outfit.

Show comments