Mother Ricky nagbukas na naman ng ampunan

MANILA, Philippines - Kamakaila’y binuksan ni Mader Ricky Reyes ang bahay-ampunang Children’s Home.  Ito’y bagong charitable project na handog ng salon czar-pilan­tropo sa alaala ng yumanong inang si Mama Ada.

Dumalo sa blessing at nangakong susuporta sa proyekto ang TV Host-journalist na si Ms. Korina Sanchez-Roxas at mga opisyal at miyembro ng Metro Manila Mayors Foundation. 

Tuwang-tuwa naman ang mga ulila at inabandonang kabataan sa nasa­bing orphanage.

Dadalawin ng GRR TNT ang gawaan ng mga muweblens na global ang quality na ini-import ng mga nasa ibang lugar.  Taga-Pampanga ang furniture maker na nagsabing ang negosyong ito’y sinimulan ng kanyang mga ninuno.

May balita rin si Mader sa mga taong may congenital o hereditary di­seases.  Ito’y ang superfood na Organique Acai Berry na mayaman sa Anthosyanin na tumutulong para mapaige ang kalusugan ng tao.

Lahat nang ito at marami pang makabuluhang diskusyon sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision  at napapanood tuwing Sabado alas nuwebe  ng umaga sa GMA News TV.

Show comments