Manny Pangilinan naispatan na sa bakuran ng GMA 7

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2014 - 12:00am

SEEN: Nakita si Vice President Jojo Binay sa Rustan’s Makati noong Sabado.

Nag-shopping si VP Binay kasama ang kanyang mga bodyguard.

SCENE: Dinumog ng Filipino fans ang free concert ng Capital Cities sa Glorietta Activity Center sa Makati City noong Sabado. Ang Capital Cities ang sikat na American indie pop duo mula sa Los Angeles, California.

SEEN: Si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan sa bakuran ng GMA 7 noong Biyernes na lalong nagpa­lakas sa tsismis na nabili niya ang malaking share ng Kapuso Network.

SCENE: Papasok na rin sa showbiz si Icee Ejercito, ang panganay nina Bernadette Alysson at Gary Estrada at si Yuan, ang bunso nina Janice de Belen at John Estrada.

SEEN: Personal ang pagkikita at pagkakasundo nina Jobert Sucaldito at John Lapus sa isang sing-along bar noong Biyernes. Dismissed na ang libel case ni John laban kay Jobert noong October 2013.

SCENE: Si Regine Velasquez ang host ng baby shower para kay Jolina Magdangal noong Sabado. Ginanap ang baby shower sa bahay nina Regine at Ogie Alcasid sa Quezon City.

SEEN: Ang Paraiso Ko’y Ikaw ang comeback project ni Joey Marquez sa GMA 7. 

Dalawang taon na naging talent si Joey ng ABS-CBN bago siya bumalik sa GMA 7.

SCENE: Ang balita na banned ang entertainment press sa Zirkoh sa Quezon City, ang sing-along bar na pag-aari ni Allan K.

Ang Zirkoh manager na si Lito Alejandria ang diumano’y nagdesisyon na i-ban sa nasabing establishment ang entertainment press.

 

ALLAN K ANG CAPITAL CITIES ANG PARAISO KO ANG ZIRKOH BERNADETTE ALYSSON BIYERNES CAPITAL CITIES QUEZON CITY SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with