Maricel dapat nang tigilan sa pamimintas

Unfair nga naman na kwestyunin ang best actress win ni Maricel Soriano sa MMFF 2013. Magaling naman siya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy at may lupon ng hurado na pumili sa kanya. Tama lang ang desisyon niya to keep her trophy dahil sa kanya ‘yun. Hindi niya hiningi, binili o ni-lobby. Ibinigay sa kanya dahil nakita nilang magaling siya sa pelikulang pinanood nila.

Kaya kayo, tama na ang pamimintas. Ang mahalaga, nanalo siya by fair means.

Mikael at Ervic biglang nanahimik

All of  sudden biglang tameme sa kanilang panliligaw o relasyon sa mga beauty queens na sina Ariella Arida at Maegan Young sina Mikael Daez at Ervic Vijandre. Bawal yata sa mga nasabing mga magagandang babae ang magkaroon ng karelas­yon habang reigning sila. Kaya quiet muna ang dalawang aktor. Pero papaano kaya kung pagkatapos ng reign ng dalawa ay mawalan na sila ng interes sa da­lawang binata? Baka kasi magkaroon ng katuparan ‘yung kasabihang absence makes the heart grow fonder, and forget?

Kim at Xian aamin na dahil sa bagong pelikula

This early sinasabi nang mauulit nina Kim Chiu at Xian Lim ang success ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? with their new movie for 2014 na Bride for Rent. Kahit pa walang opisyal na pag-amin na ginagawa  ang dalawa tungkol sa kanilang mga sarili, lahat ay naniniwalang may relasyon sila.

Hindi sila makakaarte ng ganung parang magdyowa kung hindi sila talagang magdyowa.

Show comments