Edu umiyak nang makita ang Iloilo

MANILA, Philippines - Mangiyak-ngiyak si Edu Manzano nang bisitahin niya ang ruins sa kanyang bayang pinangga­lingan, ang Concepcion, Iloilo na isa sa mga sinalanta ng bagsik ng bagyong Yolanda. Hindi ha­los makapaniwala ang TV host sa kanyang na­kita at ipakikita niya sa programang What’s Up Doods ang kanyang mga pinuntahang lugar.

Bukod sa nakakalungkot na pangyayari, wo­men power ang ma­giging takbo ng usapan sa kan­yang programa, ang pina­ka­bagong late-night comedy talk ng TV5, ngayong Sabado, Nov. 23, 10:30 p.m.

Haharap at maglalahad ng kani-kanilang istor­ya sa batikang TV host-actor na si Edu Manzano ang tatlong Ms. Earth finalists, ang komedyanang si Tuesday Vargas at aktres na si Alice Dixson.

Ikukuwento ng mga nasabing Ms. Earth finalist ang kanilang karanasan at natutunan sa pagtulong sa mga nasalanta nating mga kababayan ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan kamakailan lamang.

Si Tuesday naman, ipamamalas ang kanyang pagiging smart, funny at masayahin. Totoong tao ang description ni Edu sa kanya at wala raw halong biro iyon.

Ang gorgeous na si Alice, “tatalupan” ni Edu para lumabas ang pagi­ging crazy at funny. Bukod doon, pag-uusapan din nila ang papel nito bilang keri­da ni Gabby Concepcion sa biggest drama movie event of the year, ang When The Love Is Gone ng Viva Films, na ipalalabas na sa mga sinehan sa Nov. 27.

‘Yan at marami pang ibang pakulo ang dapat abangan ng televiewers sa bagong kinalolokohan at kinagigiliwan ng sambayanan, ang What’s Up, Doods?, Sabado ng gabi, 10:30, sa lalong pinalakas na We Can Do It Better block ng Kapatid network, TV5.

Show comments