Raymart naglabas ng ebidensiya sa umano’y pagiging drug abuse ni Claudine

Gretchen, Marjorie, at JJ nagsalita, mentally ill daw ang actress

MANILA, Philippines - Nakakawindang ang laman ng counter affidavit ni Ray­mart Santiago bilang sagot  sa mga isinampang kaso ni Claudine Barretto sa aktor. Isinumite ni Raymart ang counter affidavit sa Marikina Regional Trial Court kahapon.

Ang kuwento nang nakakuha ng counter affidavit ni Raymart, ibinunyag umano ng aktor ang pagdo-droga ng dating asawa at meron pa raw binanggit na me­ron siyang mga ebidensiya.

Kasama pa raw sa 20 something pages counter affidavit ang testemonies ng mga kapatid ng actress na sina Gretchen, Marjorie at JJ na naniniwala diumano na mentally ill si Claudine at kailangan ng kapatid nila ng professional help. Matagal nang kaaway ni Claudine ang tatlong kapatid.

Kasama pa raw sa mga ebidensiya ni Raymart ang vi­deos and photos na magpapakita raw sa umano’y pagi­ging drug abuse ng dating asawa at may medical records na magpapatunay sa korte na positive sa drug test ang actress at umano’y na  inadmit na ito sa rehab.

Nakakalungkot ang ganitong development sa kaso ng dating mag-asawa.

Pareho na silang biktima.

Meron silang dalawang anak, sina Sabina (adopted, 9) at Santino (biological, 6).

Nauna nang nagsampa ng reklamo si Claudine sa umano’y “physical, sexual, psychological, and economic” abuse ng asawa.

Maja nagpaka-safe!

Safe na safe ang mga sagot ni Maja Salvador tungkol sa boyfriend na si Gerald Anderson, Kim Chiu, pork barrel scam at kay Senator Jinggoy Estrada.

Sagot ni Maja, dapat nang mag-move on particular na sa kanila ni Kim.

Si Sen. Jinggoy naman ay naitanong din dahil hindi pa alam kung mapapalabas pa ang pelikula ngayong nasa gitna ng kontrobersiya ang producer nito na si Sen. Jinggoy.

Mas gustong pag-usapan ni Maja ang kanyang 10th anniversary sa showbiz. Sampung taon na pala si Maja simula nang una siyang mapanood sa seryeng It Might Be You. Na sinundan ng Minsan Lang Kita Iibigin at ang Ina, Kapatid, Anak.

At napatunayan niya ang pagiging actress nang manalo siya ng mga award sa pelikulang Thelma.

Siyempre, kinarir niya rin ang pagiging dancer sa ASAP at binigyan pa siya ng title na Philippines’ Dance Princess.

At part ngayon ng kanyang 10th anniversary celebration sa showbiz, sa tulong ng kanyang mga kaibigan tulad ni Kakai Bautista and actor-/dancer Thou Reyes, magkakaroon sila ng mall show bilang commemoration ng special event, na ang makikinabang sa ibang kikitain ay tatanggapin ng Ephesus.

Titled, Maja Unveils @ 10, patutunayan ni Maja na may ibu­buga pa siya bukod sa aktingan.

Ang 12th leg of her tour will also be her birthday concert, this October 5, 2013 at the NCCC Mall in Davao City. Special guests of the show include Rayver, Kakai, Thou, and Young JV.

 The Maja Unveils @ 10 Dance Concert Tour is choreographed by Gerlo Maguiran of CT Guyz, Nesh Janiola of Hot Legs with Thou Reyes and the Limited Edition.

 Upcoming legs of the tour also include SM San Lazaro (September 28), and November 9 at the KCC General Santos Convention Center.

Iwa nanganak na

Nanganak na raw ang starlet na si Iwa Moto the other night. May bagong apo na si Sen. Panfilo Lacson dahil alam naman ng lahat na ang ex husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson ang ama ng anak na iniluwal ni Iwa.

Show comments