^

PSN Showbiz

Kim Chiu inuulan ng blessings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa cloud nine ang Kapamilya actress na si Kim Chiu nang matanggap niya ang best TV drama actress award sa idinaos kamakailan na 3rd EdukCircle Awards.

Ipinagkaloob sa kanya ang parangal dahil sa kan­yang pagganap sa top-rating family drama series na Ina Kapatid Anak.

Ang EdukCircle na inorganisa ng International Center for Communication Studies (ICCS) ay iti­natag para maglaan ng plataporma sa pagmomonitor at pagpapaunlad ng mga communication-related practices at practitioners sa iba’t ibang larangan kabilang na ang sa telebisyon.

Sinabi ni Kim na sobrang masaya siya sa natatanggap niyang mga biyaya sa taong ito kabilang na ang tagumpay ng unang tambalan nila ni Xian Lim sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na kumita ng mahigit P100 million sa takilya.

“Lubha akong nagpapasalamat sa EdukCircle Awards sa pagkilala nila sa akin bilang drama actress. Gayundin sa ABS-CBN, Dreamscape, at sa buong staff ng Ina Kapatid Anak dahil sa paglilinang nila sa kakayahan ko,” sabi ni Kim na takdang pagbidahan ang bagong “Wansapanataym” month-long special.

vuukle comment

BAKIT HINDI KA CRUSH

COMMUNICATION STUDIES

CRUSH MO

GAYUNDIN

INA KAPATID ANAK

INTERNATIONAL CENTER

IPINAGKALOOB

KIM CHIU

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with