Juan hanggang Oct. 25 na lang; Panganay ni Erap kay Laarni, gf ni Bernard Palanca

SEEN: Walang special participation si Pops Fernandez sa 3D, ang 30th anniversary concert ni Martin Nievera sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes ngunit binigyan siya ng importansiya ng kanyang ex-husband.

Nagpakuha si Martin ng silya at pinaupo niya sa harap ng stage si Pops.

SCENE: Special guest si Regine Velasquez sa concert ni Martin Nievera. Malusog si Regine sa gabi ng concert ni Martin.

SEEN: Hindi nagamit ni Sharon Cuneta ang tickets para sa concert ni Martin na binili niya.

Hindi nakapanood si Sharon dahil masama pa rin ang kanyang pakiramdam.

SCENE: Magwawakas sa Oct. 25 ang Juan dela Cruz, ang top-rating fantaserye ng ABS-CBN.

SEEN: Fan ni Anne Curtis si Martin Nievera. Gustung-gusto ni Martin na kasama sa concert si Anne dahil lalong gumaganda ang kanyang singing voice.

SCENE: Kahit alang-alang sa kanilang dalawang anak, malabo ang posibilidad na magkabalikan sina Lian Paz at Paolo Contis.

SEEN: Si Jerika Ejercito ang current girlfriend ni Bernard Palanca.

Si Jerika ang panganay na anak ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

SCENE: “The who” ang ilan sa co-stars nina Enzo Pineda, Lauren Young, at Wynwyn Marquez sa Dormitoryo, ang Sunday suspense-thriller show ng GMA 7 na magsisimula sa Sept. 22.

Show comments