Dalawang kaso nina Claudine at Raymart walang urungan

PIK: Si Lauren Young ang pinaka-kabado kamakalawa ng gabi na nanood ng Ms. World Philippines 2013 na ginanap sa Solaire Resorts and Casino.

Suportado nito ang kapatid niyang si Megan Young na nagwaging Ms. World Philippines.

Namataan din doon ang napabalitang boyfriend ni Megan na si Mikael Daez na kasama nina Lauren na nanood sa naturang beauty pageant.

PAK: Dahil sa sama ng panahon, ang daming na-pack-up na taping at shooting.

Binaha ang kalyeng Arlegui sa Quiapo kaya hindi na tinuloy ang taping ng Akin Pa Rin ang Bukas nina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Nagkaroon pa ng intriga ang bagong drama series ng GMA 7 dahil sa pag-backout ni Helen Gamboa.

Wala raw ibang dahilan o ano mang intriga, kundi health reason daw  kaya umatras na ang beteranang aktres.           

Ayon sa kanyang manager na si Shirley Kuan, pinayuhan daw ito ng kanyang doktor na magpahinga kaya pinalitan na ito ni Liza Lorena.

BOOM: Kung okay na ang kalusugan ni Claudine Barretto, inaasahang dadalo ito sa hearing ngayong araw.

Muling maghaharap sila ni Raymart Santiago, dahil ang dinig namin magkikita silang mag-asawa sa dalawang kasong didinggin ngayong araw.

Sasamahan daw si Raymart ng mga kapatid niya bilang suporta ng buong pamilya. Gaya nang suportang ipinapakita ni Mommy Inday kay Claudine.

 

Show comments