The Voice artists, Robi, at Alex, makiki-jamming sa Festival Mall

MANILA, Philippines - Pahinga muna sa pressure ng kumpetisyon ang artists ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show na The Voice of the Philippines ngayong weekend sa kanilang pagbibigay-aliw sa mall show na gaganapin ngayong Sabado (Agosto 10) sa Festival Supermall sa Alabang, Muntinlupa City.

Maki-bonding at kilalanin ang inyong pambatong artists, kabilang na ang mga sumalang na at sasalang pa lang sa Battle Rounds, sa isang hapon ng bonggang kantahan, kuwentuhan, at exciting games kasama ang V reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga.

Bukas para sa lahat at libre ang panonood ng performances ng artists bilang pasasalamat sa pa­tuloy na pagtutok ng publiko sa mas tumitindi pang labanan ng boses sa Battles Round.

Huwag palampasin ang pagsalang sa battle stage sa Sabado at Linggo (Agosto 11) nina Isa Fabregas vs. Angelica Prado at Denise Sagun vs. Talia Reyes para sa Team Bamboo; Eva delos Santos vs. Michaellen Temporada at Maki Ricafort vs. Hans Dimayuga para sa Team Sarah; Darryl Shy vs. MJ Podolig at ang three-way battle nina RJ Dela Fuente vs. Rainier Acosta vs. Juvie Pelos para sa Team Lea; at Lance Fabros vs. Janice Javier, at Emman Vera vs. Jessica Reynoso para sa Team apl.de.ap.

Kaninong boses ang mangingibabaw? Sinu-sinong artists ang makakatuntong sa susunod na bahagi ng kumpetisyon?

 

Show comments