Kuwento ng Pinay na ikinulong, ginahasa, at ginulpi ng Koreano bibistuhin!

MANILA, Philippines - Tatalakayin ni Julius Babao ngayong Lunes ang kuwento ng isang Pilipina na ikinulong, binugbog, ginahasa, at pinagtangkaang patayin ng isang Koreano ngayong Lunes (Hulyo 1) sa Pinoy True Stories: Bistado.

Ayon kay “Sophia,” ipinakilala ng isang kaibigan si “Jo Hann” sa kanya. Kaya naman tiwala si Sophia nang imbitahan siyang makipag-inuman sa mismong bahay nito. Sumama naman si Sophia. Nang lumaon, ikinulong ang dalaga at paulit-ulit na pinagbuhatan ng kamay. Matapos ang siyam na araw na pagkabihag, masuwerte naman siyang nakatakas para humingi ng tulong sa awtoridad.
Anu-ano ang kalupitang dinanas ni Sophia?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (Hulyo 1) sa Pinoy True Stories: Bistado, 4:45 p.m., pagkatapos ng A Promise of a Thousand Days sa ABS-CBN.

 

Show comments