^

PSN Showbiz

Jose at Wally, balik-Zirkoh sa Hunghang Over To The Max!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasambulat muli ang kalokohan nina Jose Manalo at Wally Bayola sa stage ng Zirkoh Comedy Bar-Tomas Morato upang tugunan ang hiling ng mga customers na pasakitin ang tiyan at panga nila sa katatawa.  Hindi lang sakit ng panga at tiyan sa kakahalakhak ang handog ng dalawa dahil siguradong magkakaroon pa sila ng hang-over sa show nilang  Hunghang Over to the Max!

Tumatanaw rin kasi ng utang na loob sa patrons ng Zirkoh sina Jose at Wally dahil nahinang ang henyo nila sa komedya sa gabi-gabing performance doon bago sila tinanghal na Comedy Concert Artists.  Bawat ngiti at tawa na isinusukli sa kanila ng customers ay nagsisilbing-inspirasyon upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang propesyon.

Eh, hindi naman nauubusan ng kabaliwan ang dalawa gaya nang ipina­ma­malas nila sa Juan For All, All For Juan Bayanihan of the People segment nila sa Eat Bulaga. Kumbaga, nandun ang mga sorpresa sa bawat taong nakakasalamuha nila sa mga barangay.

Pero siyempre, iba pa rin ang ipinapalabas nina Jose at Wally sa Zirkoh. Kung medyo pigil sila sa telebisyon, pagdating sa comedy bar, all-out at walang censorship sa pagpapatawa nila.

Dagdag atraksyon sa show nina Jose at Wally ngayong Sabado, June 15, sa Zirkoh, lalaban din sila sa kaguwapuhan ni Alden Richards na isa sa mainit na young actor ngayon.

Mula sa pakikipagtulungan sa Puregolds at Ginebra San Miguel,  mabibili ang tickets sa Hunghang Over To The Max sa Zirkoh o kaya mag-text sa 0918-407-4172 at 0916-76-78-553.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALL FOR JUAN BAYANIHAN OF THE PEOPLE

COMEDY CONCERT ARTISTS

EAT BULAGA

GINEBRA SAN MIGUEL

HUNGHANG OVER

HUNGHANG OVER TO THE MAX

JOSE MANALO

ZIRKOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with