^

PSN Showbiz

Angelica nagsalita na hindi affected sa ‘babae’ ni John Lloyd

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-react na si Angelica Panganiban sa tsismis sa boyfriend na si John Lloyd Cruz at kay Denisse Ochoa, anak ni Melissa Mendez. Kumalat ang pictures ng dalawa sa Internet kasama ang ilang kaibigan at mismong si Denisse ay nag-post ng naging controversial pictures sa Twitter account niya.

Nasulat sa blog ni Darla Sauler ang sagot ng aktres na “Nakakasama nga daw ‘yun. Actually, bago pa ‘yun lumabas sa blog, pinadalhan na ko ng ganyang pictures kaya d ko na kinagulat nang lumabas siya.”

Sa tanong ni Darla kung bakit lagi silang tina-target ng issue at gustong sirain ang relasyon nila, ang sagot ni Angelica:

“Hello! Aware naman tayong lahat kung gaano siya (JL) kasikat, lalo na ngayon kaya lahat ng mata nasa kanya. Hindi naman ako affected at all sa picture nila, Sobrang secured naman ako w/ Idan. Pero siyempre masakit ‘pag binabato sya ng mga tao dahil alam ko kung paano niya alagaan ang trabaho niya. At kilala natin kung gaano siya kabait. Oh, well... may mga tao talaga na happiness ang manira ng ibang tao at hobby na nila ang mainggit.”

May nabasa kaming tweet ni Melissa na kahit walang binanggit na pangalan, halatang sagot sa nagba-bash sa anak na si Denisse.

Unang tweet ni Melissa ay “Who are you who wants to malign and put someone in a bad light? Remember that you reap what you sow. Know karma” at ang sunod ay “I hope people will stop making up stories to put a person down. What a mentality is that.”

Lauren imbiyerna na sa ‘pagkabit’ kay Elmo

Ramdam naming hindi na natutuwa si Lauren Young ‘pag tinatanong sa relasyon diumano nila ni Elmo Magalona. May mas importanteng bagay daw na dapat pag-usapan kesa love life at walang relasyon sa trabaho niya si Elmo.

“There’s no need to talk with my relationship with boys. Even important people in my life I don’t talk about them. The fact is, Elmo and I are friends and Julie Anne (San Jose) is a friend,” sabi ni Lauren.

Kinumpirma ni Lauren na binigyan niya ng MAC makeup si Julie Anne. Na-invite niya ang singer sa MAC event pero hindi nakarating kaya binigyan na lang niya ng makeup. Nag-tweet si Julie Anne nang pasasalamat sa kanya.

In fairness sa aktres, nang tungkol na sa Mundo Mo’y Akin ang mga itinanong ng press na dumalaw sa taping ng primetime soap, game siyang sumagot. Feeling nito, maiinis na sa kanya ang viewers ng soap dahil simula na nang pagiging kontrabida niya. Aapihin na ni Lauren si Marilyn (Louise delos Reyes) at request nitong hindi personalin ng fans nina Louise at Alden Richards ang mga mapapanood na eksena.

Alam ni Lauren na may Tean Lauden (Lauren at Alden) at Louren (Louise at Alden) at natutuwa siya na may fans sila ni Alden. Masaya rin siya sa feedback na may chemistry silang dalawa pero ayaw niyang ma-tied up sa love team pero masaya siya na si Alden ang ibinigay na ka-love team niya dahil mabait ito.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANGELICA PANGANIBAN

DARLA SAULER

DENISSE

DENISSE OCHOA

ELMO

JULIE ANNE

LAUREN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with