Billy gusto nang maging misis si Nikki
THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2012 - 12:00am

Natuwa rin ako sa balitang pagpapakasal ng anak-anakan kong si Billy Crawford sa girlfriend niyang si Nikki Gil. Kahit hindi pa ito ngayon at sa 2014 pa, nakatutuwa na rin na malaman na may balak na sila. Hindi naman maaapektuhan ang career nila kung saka-sakali. Established na sila pareho as singers and TV hosts. Papayagan na sila ng fans na mag-asawa na. After all, 30 na si Billy. Puwedeng-puwede nang mag-pamilya.  

Mayor Atienza tuluy-tuloy sa Maynila

Napanood ko kahapon ’yung progra­mang May­­­nila at may mga na­kita akong guest na taga-ka­bilang istas­yon. Nasiyahan ako dahil, at least, hindi apektado ang show ng network wars.

Sa show nagagawang mapagsama ang lahat ng artista kahit saang istasyon sila kabilang. Kaya binabati ko ang dating mayor na si Lito Atienza sa pagpupun­yagi niya sa pamamagitan ng Maynila TV show na ma­pag-isa ang mga artista at magawa ang kanyang programa na isang magandang behikulo para mabigyan ng pagkakataon ang mga baguhan at kabataang artista na maipamalas ang kanilang acting.

Alfred nami-miss na ang akting

Inamin ni Alfred Vargas na nami-miss nya rin ang pag-aartista pero marami siyang pinagkakaabalahan sa pagiging pulitiko kaya gustuhin man niyang tumanggap ng mga role, madalas hindi niya magawa. Mabuti na lamang at nagawa niya ang pelikula tungkol kay Andres Bonifacio. Ipinagmamalaki niyang maraming mag-aaral ang mabibiyayaan ng ginawa niyang movie tungkol sa Ama ng Katipunan. Magagamit ang pelikula niya sa pag-aaral ng Philippine history.

 

ALFRED VARGAS ANDRES BONIFACIO BILLY CRAWFORD INAMIN LITO ATIENZA MAYNILA MAYOR ATIENZA NIKKI GIL SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with