Movie ni Charice na hindi kumita sa Amerika, ipalalabas na sa ‘Pinas!

SEEN: Si Sunshine Dizon ang pansamantalang pumalit kay Camille Prats bilang co-host ni Suzi Entrata sa Mars ng GMA News TV. Mukhang tita ni Suzi si Sunshine.

SCENE: Si Juan Manuel Marquez ang hinuhulaan na mananalo sa laban nila ngayon ni Congressman Manny Pacquiao sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada. Mas maraming boxing fans sa Las Vegas ang pumupusta na mananalo si Marquez.

SEEN: Nakita ang former world boxing champion na si Mike Tyson sa weigh-in nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa MGM Grand noong Biyernes (Saturday morning sa Pilipinas ).

SCENE: Malakas ang boo kay Manny Pacquiao ng Mexican supporters ni Juan Manuel Marquez sa weigh-in nila kahapon.

SEEN: Hindi nakilala si Pops Fernandez sa litrato nila ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid dahil bumata ang kanyang hitsura.

SCENE: Ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas sa January ang Here Comes the Boom, ang Hollywood movie nina Salma Hayek at Charice. Hindi tinangkilik ang Here Comes the Boom nang ipalabas ito sa US theaters noong October.

SCENE: Kahapon ang kaarawan ni Mac Alejandre. Si Mac ang direktor ng Never Say Goodbye ng TV5 at sinalubong niya ang birthday sa Benguet set noong Biyernes.

 

Show comments