^

PSN Showbiz

Grace Poe pinatindi ang tv and movie classification advisory

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Suportado ng pamilya ni former MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares ang pasya nito na kumandidatong senador sa eleksiyon sa susunod na taon.

Kasama ni Mama Grace ang kanyang panganay na si Brian sa meet-the-press na ginanap noong Lunes sa penthouse ng Imperial Palace Suites.

Twenty years-old na si Brian at siya ang excited na excited sa pagkandidato ng kanyang ina. Panay ang kuha ni Brian ng mga picture habang nakikipagkuwentuhan sa entertainment press ang nanay niya.

Tatlo ang anak ni Mama Grace at ng kanyang mister na low-profile, si Teodoro Misael Vera Llamanzares, si Brian ang panganay na sinundan ni Hanna, 14-years old at si Nika, ang bunso na 8-years old.

Dalawang taon na nagsilbi si Mama Grace bilang MTRCB Chair mula noong 2010 hanggang October 2012.

Malaki ang kontribusyon niya sa MTRCB. Idea ni Mama Grace ang implementation ng uniform TV at Movie classification advisory. Siya ang nagpatindi ng awareness sa kahalagahan ng age appropriate TV and movie classification system. Nakiisa  si Mama Grace sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa pama­magitan ng isang memorandum agreement para lalong mapalakas ang self-regulatory efforts ng media.                   

Abala ngayon si Mama Grace sa pagkonsulta sa mga tao na suportado ang pagkandidato niya sa 2013.

Bago niya tinanggap noon ang offer na maging MTRCB Chair, si Mama Grace ang Chief Operating Officer & Treasurer ng FPJ Productions and Film Archive Inc.

Siya ang supervisor ng day-to-day company operations at in-charge sa preservation, restoration at promotion ng mga pelikula. 

Nakilala ko si Grace noong bagets pa siya. Ako ang PRO ni Gabby Concepcion at big fan niya si Grace.

Mabait na tatay si Kuya Ron ( FPJ ) dahil siya pa ang humingi ng autograph ni Gabby para sa kanyang anak. Natatawa si Grace kapag naalaala ang mga panahon na fan na fan siya ni Gabby.                           

Na-touch si Mama Grace nang malaman nito na willing si Lovi Poe na suportahan ang kanyang kandidatura.

Ang sabi ni Mama Grace, na-choke siya nang malaman niya ang statement ng kapatid. Kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad, na-appreciate ni Mama Grace ang mga sinasabi ni Lovi tungkol sa kanya.

Unang nagkita ang dalawa noong 2004 sa burol ni FPJ sa Sto. Domingo Church. Ikinuwento ni Mama Grace na bagets na bagets at very sweet ang mukha noon ni Lovi. Natutuwa raw siya kapag naririnig niya ang mga papuri sa acting ni Lovi sa mga pelikula nito.

May mga pagkakataon daw na napagkakamalan ng mga tao na siya si Lovi sa kanyang mga out- of- town trip. “ Lovi “ raw ang tawag sa kanya ng mga nakakahalubilo niya sa mga probinsiya

vuukle comment

CHIEF OPERATING OFFICER

DOMINGO CHURCH

GRACE

LOVI

MAMA

MAMA GRACE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with