Lani Misalucha may concert treat sa SGL

MANILA, Philippines -  Ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang special guest ni Popstar Sarah Geronimo ngayong Linggo sa Sarah G. Live! ngayong 8:15 ng gabi.

Bukod sa world-class concert performance nina Sarah at Lani, abangan din sa SGL ang pagbabalik ng Kapamilya leading man at bida ng inaabangang primetime teleserye na Ina Kapatid Anak na si Enchong Dee bilang guest co-host ng Popstar; at ang makapigil-hiningang smash-up dance number ng duo ng Be Careful With My Heart na sina Doris at Sabel.

Samantala, samahan naman si Sarah sa isa na namang exciting na adventure bilang isang ‘litsonera’ sa kanyang Sige Go segment. Kasama pa rin ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host na si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreo­grapher Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud.  

Show comments