Yasmien Kurdi may problema sa BIR kahit matagal namahinga sa showbiz!

SEEN: Kukunan ngayon sa Ilocos Sur ang big scene ng Si Agimat, si Enteng, and Me, ang official entry nina Vic Sotto, Senator Bong Revilla, Jr. at Judy Ann Santos sa 2012 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Ngayong gabi ang grand red carpet premiere sa SM Megamall Cinema 9 ng Of All the Things, ang much-awaited romantic comedy movie nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.

SEEN: Matagal nang huminto sa showbiz si Yasmien Kurdi ngunit may mga problema pa rin siya sa BIR.  Isang tao ang inaakusahan ni Yasmien na dahilan ng kanyang problema sa BIR.

SCENE: Looking forward si Derek Ramsay sa pagsisimula ng Amazing Race Philippines.

Sa susunod na buwan ang pilot telecast sa TV5 ng reality show ni Derek.

SEEN: Inihagis pabalik kay JM De Guzman ang kanyang hinubad na T-shirt na inihagis niya sa audience ng Cosmo Bash sa World Trade Center noong Martes.

SCENE: Napanood na kahapon sa Amerika ang Survivor Philippines, ang US reality TV series ng CBS na kinunan sa Camarines Sur.

Kalabaw, Tandang at Matsing ang pangalan ng tatlong tribu ng Survivor Philippines.

SEEN: Pumirma kahapon ng kontrata sa Regal Entertainment Inc. si Hayden Kho, Jr.

Hindi pinilit si Hayden na magbalik-showbiz dahil gustung-gusto niya na maging artista.

Miss na miss ni Hayden ang pag-arte.

SCENE: Alam na alam ni Bianca King ang lahat ng mga schedule ni Dennis Trillo. May plano sina Bianca at Dennis na magbakasyon sa ibang bansa kapag natapos ang taping ng Temptation of Wife, ang TV series na hindi pa nag-uumpisa at tatampukan ni Dennis.

Show comments