Kailangan ng ingay, show ni Sharon hindi na pinag-uusapan; Xian Lim, tatak na ang pagiging user-friendly

Seen : Heart attack ang ikinamatay noong Lunes ng American actor na si Michael Clarke Duncan, ang bida sa 1999 movie na Green Mile.

Napanood din si Michael sa Kung Fu Panda, Planet of the Apes at Armageddon.

Scene : Ang Aso ni San Roque ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng Makapiling Kang Muli na magwawakas sa Biyernes.

Seen : May special participation si Rafael Rosell sa pilot episode ng Aso ni San Roque at ito ang unang paglabas niya sa mga programa ng GMA  7.

Seen : Kailangan ng ingay ng Sharon, Kasama Mo, Kapatid dahil hindi napag-uusapan ang afternoon talk show ni Sharon Cuneta.

Scene : Feel na feel ni Xian Lim ang atensiyon ng fans na nagkagulo sa kanya sa meet and greet niya sa cinema lobby ng Trinoma noong Linggo.

Seen : Dapat gumawa ng paraan si Xian Lim na  mabura ang user friendly label sa kanya ng detractors niya.

Show comments