Rep. Manny magpa-file muna ng certificate of candidacy bago uli makipagbakbakan

SEEN: Epic movie ang tawag ni Regine Velasquez sa Of All the Things, ang pelikula nila ni Aga Muhlach na showing sa mga sinehan sa Sept. 26.

SCENE: May binabagayan ang boses ni Kahlil Ramos. Sintunado ang pagkanta niya kahapon sa ASAP 2012 ng Kung Ako na Lang Sana.

SEEN: May press release ng Star Cinema na magbabago ang tingin ng mga tao sa mga babae na pumapatol sa mga may asawa kapag napanood nila ang The Mistress.

Sa Sept. 12 ang playdate ng John Lloyd Cruz-Bea Alonzo-starrer.

SCENE: Ngayon ang 45th birthday ni Ogie Alcasid at isang dinner ang inihanda nila ni Regine Velasquez para sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

SEEN: Ngayon din ang kidney surgery kay Zsa Zsa Padilla sa Cedar’s Sinai Medical Center, Los Angeles, California, USA.

Dasal para sa successful surgery ang hiling ni Zsa Zsa

SCENE: Magkasabay na ipinalabas noong Sabado ng gabi ang guesting ni Assunta de Rossi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at Follow that Star ng GMA News TV.

SCENE: Ang filing ni Congressman Manny Pacquiao ng kanyang certificate of candidacy sa October ang isang dahilan ng pagkakaurong ng kanyang laban sa November. Ngayon ihahayag ng boxing promoter na si Bob Arum ang pangalan ng makakalaban ni Pacquiao sa December.

Show comments