Pamangkin ni Piolo ayaw sumakay sa isyu

Bakit naman kaya nilalagyan ng gender issue ang pagpasok ng pamangkin ni Piolo Pascual na si Benja­min Alves sa showbiz? Obviously, si Piolo ang gustong maapektuhan ng mga nagtatanong. Which is unfair to him dahil siya ang matagal nang naiintriga.

Bakit hindi natin matanggap ang isang artista for sheer talent? Kailan pa tayo magma-mature para matanggap ang isang tao babae man siya o lalaki, tomboy man o bakla dahil may talent siya. Let’s all grown up!

Iza at Andi walang personalan

Umaatikabong sampalan ang nagaganap sa mga artista ng Kahit Puso’y Masugatan. Sa trailer pa lamang ay dinig na dinig na ang lagapak ng mga kamay nina Andi Eigenmann at Wendy Valdez nang dumapo sa mga pisngi ni Iza Calzado at ni Andi rin. Dahil hindi na uso ang cinematic na sampalan ngayon kung kaya totohanan nang nasasaktan ang mga artistang kasama sa eksena.

Kundi pulang-pula ay namamaga ang mga pis­ngi ng nasaktan. Ang maganda sa mga artista ngayon, hindi nila pine-personal ang mga eksena, tinatanggap na lamang na bahagi ng trabaho nila ang makapanakit at masaktan. Wala ng peke-peke, totoo na kung totoo. Walang personalan, trabaho lang.

Show comments