Pagtatapos ng impeachment trial hihimayin sa GMA News TV

MANILA, Philippines - Abangan ang pinakahihintay na pagtatapos ng im­­peachment trial ni Chief Justice Renato Corona ngayong linggo sa The Chief Justice on Trial, ang espesyal at komprehensibong coverage ng GMA News TV.

Mapapanood ngayong Lunes, simula alas-dos ng ha­pon, ang The Chief Justice on Trial, ay pinangungunahan ng mga batikang mamamahayag na sina Arnold Clavio at Vicky Morales, kasama sina Ivan Mayrina, Rhea Santos, at Kara David.

Matatandaang naunang humarap si Corona sa impeachment court noong nakaraang Martes para sa kanyang opening statement na nauwi sa mistulang biglang pag-alis nito na pinag-usapan ng buong bansa. Mula sa ospital ay muli siyang humarap sa Senado noong Bi­yernes.

Magpapatuloy ang The Chief Justice on Trial co­verage sa Quick Response Team bandang 6 p.m., at mapapanood ang recap sa primetime newscast na State of the Nation with Jessica Soho.

Ang mga importanteng nangyari sa impeachment    trial ay mapapanood din sa Dobol B sa News TV, News to Go, Balitanghali, at News TV Live.

Sa GMA 7, mapapanood ang mga updates tungkol sa paglilitis sa pamamagitan ng GMA Flash Report na may recap sa 24 Oras, Saksi, at Unang Hirit.

Mapapakinggan din ng live ang impeachment trial sa DZBB at mapapanood din online sa gmanews.tv/livestream. Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa karagdagang detalye ng impeachment trial.

Show comments