Aryana pinaibig agad ang buong sambayanan

MANILA, Philippines - Humataw agad sa national TV ratings ang pilot episode ng fantaserye ng

ABS-CBN

tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV, ang 

Aryana

na pinagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si

Ella Cruz

.

Base sa datos ng Kantar Media, nanguna sa timeslot nito ang Aryana taglay ang national TV ratings na 15.6% kumpara sa nakuha ng katapat nitong prog­rama.

Labis ang pasasalamat ni Ella sa mga manonood na tumutok sa pagbubukas ng kuwento ng kanyang karakter na si Aryana. “Thank you po sa lahat ng TV viewers na sumuporta sa amin. Mas marami pa po kayong dapat abangan sa mga susunod na episodes,” aniya.  

Show comments