Brad at Angelina, ikakasal na!

MANILA, Philippines - Finally ikakasal na rin pala sina Brad Pitt at Angelina Jolie ayon sa report ng Agence France-Presse kahapon. Matagal-tagal na ring nagli-live in at nagkaanak na sila ng tatlo at may adopted ding tatlo na masayang-masaya raw sa naging desisyon ng kanilang mga magulang.

Ang manager ni Brad ang nagbalita nito sa People magazine. “It is a promise for the future and their kids are very happy,” ayon sa talent manager na si Cynthia Pett-Dante.

Pero wala pa raw date, oras o kung saan idaraos ang kasalan ng pinakasikat na Hollywood partner ayon pa sa report ng AFP.

Ang Jeweler na si Robert Procop ang designer na may collaboration ni Pitt, ang gumawa ng singsing nila.

Sa singsing pa lang daw, halos isang taon nang inaayos at gusto ng aktor na maging perfect ito sa daliri ng kanyang magiging asawa.

“Brad was always heavily involved, overseeing every aspect of the creative design evolution... The side diamonds are specially cut to encircle her finger. Each diamond is of the highest gem quality,” ayon pa sa report ng AFP na galing sa jeweler ang statement.

 Lovi at Heart magpapatalbugan

Hahataw sa sayawan ang ‘beloved’ sweetheart na sina Dingdong Dantes and Marian Rivera ngayon araw sa bonggang presentation ng Party Pilipinas.

Pero bukod sa kanila, magpapatalbugan din ang magkaibigang Lovi Poe and Heart Evangelista kasama sina Alessandra de Rossi and Solenn Heussaff na pawang mga bida sa Legacy. Siyempre, paseksihan sila.

Hindi rin pahuhuli ang mga loveteams sa afternoon prime’s ng GMA 7 at ang Tweenvasion kung saan sasali ang Tween stars sa Sayaw Pilipinas.

Pakinggan din ang mga most requested theme songs ng GMA teledramas na kakantahin ng mga original nitong kumanta.

Show comments