Mapapangasawa ni Juris ayaw magpakilala

Nalalapit na ang kasal ng ASAP Sessionistas singer na si Juris Fernandez sa kanyang non-showbiz boyfriend. Excited na ang singer sa kanyang espesyal na araw pero hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol dito.

“Malapit na, parang ilang buwan na lang ang naiiwan so huwag n’yo na lang tanungin kung kailan,” nakangiting pagsi-share ni Juris.

Ayon pa sa singer, ayaw munang ipaalam ng kanyang mapapangasawa ang identity nito.

“’Yun ang request niya rin sa akin. Hope you guys understand. Kung lalabas ang identity niya, gusto niya after the wedding,” sabi ni Juris.

Hindi rin magiging malaking showbiz event ang nasabing kasalan dahil malalapit na kaibigan at kapamilya lamang ang kanilang inimbitahan sa okasyong ito.

“Piling-pili, meron kaming ilan pero huwag na na­ting i-mention. Halos hindi n’yo po kilala. Hindi siya ganun kalaking wedding, kumbaga iilan lang talaga. Close friends ko,” dagdag pa ni Juris.

Hihinto na kaya siya sa pagkanta pagkatapos ng kasalan? “Ganun pa rin, tuluy-tuloy pa rin hangga’t merong trabaho. Hangga’t meron gustong pakinggan ako okay lang,” sabi ng engaged pop singer.

Abala na ngayon si Juris at ang kanyang fiancé sa paghahanda para kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Angel napasabak sa matinding drama

Mamayang gabi ay isang special episode ang mapapanood sa longest running drama anthology sa buong Asia na Maalaala Mo Kaya. Bahagi pa rin ito ng kanilang 20th anniversary presentation.

Kakaibang papel ang gagampanan ni Angel Aquino para sa nasabing episode at talaga namang napasabak ang actress-host sa matinding drama dito. Tampok din sina Yul Servo, Miles Ocampo, at Paul Salas sa kakaibang kuwento ng buhay sa Palawan, directed by Brillante Mendoza.

Kris makikipag-tsikahan sa mga fans

Bukas ay may pagkakataon ang lahat ng fans ni Kris Aquino na makasama ang kanilang idolo sa Atrium ng SM Megamall building A para sa event ng K Everyday.

Magbibigay ng practical home tips ang Queen Of All Media sa lahat ng dadalo at magkakaroon din ng chance ang mga fans na makakapagpa-picture kasama ni Kris.

Maaari ring makabili with discount ang mga pupunta ng kitchen collection na iniendorso ni Kris.

Mula 4:00 p.m. hanggang 6:00 p.m. inaasahang mananatili ang aktres sa nasabing event.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments