Idols sa Party Pilipinas!

MANILA, Philippines - Aapir sa Party Pilipinas ngayong Linggo ang number one cheer dance idol ng bansa, ang UP Pep Squad. 

Kasama sila sa isang mainit na opening number ng programa.

Makakasama rin ang cast ng Sinner or Saint na magbababu na sa ere kaya makikipag-compete sila sa sayawan sa mga bida ng Time of My Life kung saan bibigyan kayo ng  mga newest dance craze, the Super Shane Shake.

Mamimiyesta naman ang mga mata ng mga manonood sa mga hottest and sexiest FHM and Cosmopolitan idols sa kanilang pagrampa.

Humanda rin sa Candy Cuties; Juliemo (Julie Ann and Elmo); and, Learkin (Leanna and Arkin).

Bibigyan naman ng tribute ng mga belters ng PP ang Pinoy International Idols na tulad nina Lea Salonga and Charice sa VOX, at ang mga OPM balladeers ay babanatan ang mga kanta ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Meron ding special number ang tatlong proteges.

Triple birthday bash for showbiz heir - Ynna Asistio; La Diva’s Maricris Garcia; and leading lady, Rhian Ramos.

At abangan ang pagbabalik ni Solenn Heusaff sa programa.

Show comments