Septic Tank panlaban sa Oscar

MANILA, Philippines - Ang indie film na Ang Babae sa Septic Tank ang napili ng FIlm Academy of the Philippines para sa i-submit for review sa Best Foreign Language Film category ng 84th Academy Awards.

Kasama sa pinagpilian ng FAP na tinalo ng peli­kulang pinagbibidahan ni Eugene Domingo ang Rosario, Presa, Senior Year, Dalaw, Ikaw Ang Pag-ibig, Thelma, and Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington.

Big winner ang pelikula sa Cinemalaya Festival ngayong taon at kumita rin ito ng P40 million nang ipalabas sa mga sinehan kamakailan.

Katawan ni Mark patpatin nang rumampa

Nadismaya sa katawan ni Mark Herras ang mga nanood ng Cosmo Ba­chelor Bash 2011 na ginanap sa World Trade Center last Thursday night.

Patpatin daw at walang ka-muscle-muscle nang maghubad at rumampa ang actor.

Karamihan daw kasi sa rumampa ay kahit paano ay may ipinakita, pero si Mark daw, wa as in.

Sana raw ay nag-effort si Mark na magdagdag ng laman bago nagpakita ng katawan.

Oh oh.

Show comments