Stripped Hotmen, magla-Library

MANILA, Philippines - Ihuhudyat ang simula ng Stripped : All-Star Hunks Tour ng Hotmen na sina Kenneth Salva, Mark William Yap, Jhonmark Marcia, Danniel Derramayo, Jordan Jordico, at Jake Mendoza, sa pamamagitan ng isang show sa The Library, Malate, Maynila sa Agosto 18 (Huwebes), 10 ng gabi. 

Iti-treat ng anim na Hotmen ang audience sa ka­nilang bersiyon ng pop-song covers kasabay ng kanilang sexy dancing. Magulat sa mga di-inaasahang kaseksihan na puwede nilang gawin para tuksuhin ang kanilang manonood, at patulan ang naughty proposals sa sarili nilang pamamaraan. 

Special guest sina Daiana Menezes at John­ron Tanada sa nasabing kick-off party.

Sponsor ang Frenzy Condoms at EZ Lubricating Jelly.

Show comments