The Hotmen atbp. 'maghuhubad' sa Zirkoh sa Hunyo 4

MANILA, Philippines - Makakasama ng indie boys na sina Johnron Tanada at Dennis Torres ang The Hotmen na sina Kenneth Salva, Mark William, Jhonmark Marcia, Danniel Derramayo, at Jake Mendoza sa paglulunsad ng kanilang All-Star Hunks Kick-off Tour.

Ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas ang tiyak na maghuhubad sa mga boy-toy sa isang sexy-comic show na pinamagatang Stripped, sa Hunyo 4, Sabado, sa Zirkoh, Tomas Morato Ave­nue, Quezon City, 10 ng gabi.

Iti-treat ng The Hotmen ang mga suki ng Zirkoh sa kanilang cover interpretation ng pop songs ng kilalang boy bands, sa kanilang sariling tatak na sexy singing-dancing.

Ka-back-to-back ng The Hotmen launch party ang mapagpatawang si Gladys Guevarra  at ang mga nagseseksihang EB Babes.

Ilan sa mga sponsor ang: Frenzy Condoms at EZ Lubricating Jelly. (GR)

Show comments