^

PSN Showbiz

Sagupaan ng Supahdance finalists start na

-

Manila, Philippines - Makikipagsabayan ang ASAP ROCKS sa init na hatid ng tag-araw kasama ng mga pinaka-malalaking bituin ng Kapamilya Network.

Humanda na sa mga nag-aalab na concert performances mula sa mga prem­­yadong ASAP Sessionistas, ASAP Champions, ASAP Acoustics Re­pub­lic, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Sarah Geronimo at Gary Valenciano.

Abangan ang mga nagbabagang hatawan na hatid ng pinaka-malupit na Supahdancers ng bansa — Supahdance Krew, Dance Quad, Bugoy Cariño with the Supahkids, Shaina Magdayao, Maja Salvador at Billy Crawford.

Sisiklab ang inyong linggo kasama ang lahat ng pinaka-maiinit na Bida Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Anne Curtis, Bea Alonzo, Cristine Reyes, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Enchong Dee, Luis Manzano, Sam Milby at Piolo Pascual.

Umpisa na rin nang pagbulusok ng pinaka-hataw na dance showdown sa balat ng telebisyon. Mula sa libu-libong nag-audition, napili na ang sampung mag­lalaban-laban sa ASAP dancefloor.

Mula sa Luzon, magsasalpukan ang mga grupong Move Management ng Quezon City, Camper’s Champs ng Cavite City, sina Owa at Cleng ng Batangas at Kiss Dance Crew ng Mandaluyong. Hahataw naman ang mga pambato ng Visayas – ang HPV Dance Trio ng Iligan City, Simple Squad ng Cebu at ang mga soloistang sina Christian Moscoso ng Cebu City at Anna Mae Salazar ng Mandaue City. At mula sa Mindanao, bibida na ang dalawang pambato ng Davao – ang P.O.D. Dance Krew at ang soloistang si Jannike Calunsag.

Sino sa sampung ASAP Supahdance finalists ang magiging kauna-unahang ASAP Supahdancer?

Abangan ang kanilang matinding sagupaan linggu-linggo sa ASAP ROCKS! 12:15 ng tanghali.

vuukle comment

ABANGAN

ACOUSTICS RE

ANNA MAE SALAZAR

ANNE CURTIS

ASAP

BEA ALONZO

BIDA KAPAMILYA

BILLY CRAWFORD

BUGOY CARI

CAVITE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with