Cebuana waging-wagi sa Aliwan

MANILA, Philippines - Isang Cebuana, si Rogelie Catacutan, kinatawan ng Sinulog Festival, bilang Reyna ng Aliwan.

Ikatlong sunod na ito na ang korona sa Aliwan ay nakuha ng isang Cebuana.

Si Christine Kate Adi ng Baguio ang nakakuha ng ikalawang puwesto na sinundan naman nina Dominique Braun ng Zarraga, Iloilo, Bernadette Chiu ng Bulacan, at Jeremy Jane Evans ng Santiago, Isabela.

 Nakuha rin ni Catacutan ang parangal bilang Best in Evening gown, samantalang si Adi ang Best in Swimsuit, at si Braun ang Best in Talent.   Idineklarang Best in Festival Costume naman si Samantha Amparo ng Iloilo City.  

Show comments