Orig na VCD at DVD binagsak ang presyo

MANILA, Philippines - Sa linggong ito, mabibili sa napakababang halaga ang halos lahat ng titulo mula sa C-Interactive Digital Entertainment sa pinakahihintay na VCD and DVD Summer Sale-Price Cut. Itinuturing na pinakamalaking handog ng isang video company, ginagarantiyahan nito ang mga piling-piling pelikula na kagigiliwan ng mahilig sa pelikula. Isa itong pambihirang pagkakataon upang magkaroon ng mga original na kopya ng mga ’di malilimutan at mahirap hanapin na video.

Pinagbibidahan ng mga pinakasikat na Hollywood icons at pinakamainit na artista ngayon, ang paketeng ito ng blockbuster movies ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Dear John, 17 Again, Astro Boy, Planet 51, Snakes on the Plane, Mr. Woodcock, Take the Lead, First Born, Final Destination, Son of the Mask, A Walk to Remember, City of Ember, Inkheart, Hairspray, Step Up, at marami pang iba.

Makakabili sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music &Video, O Music, Video City, National Book Stores, at Fully Booked. Maaari rin silang i-check online sa www.cinteractive.com.ph at facebook.com/cinteractiveph.

Show comments