Home for Valentine's ni Charice sa GMA hindi maganda!

SEEN : Nagsimula kahapon ang stint ni Iza Calzado bilang co-host ng Eat Bulaga.

SCENE : A  little better ang second episode kahapon ng Happy, Yipee, Yehey pero hindi pa rin gaanong nalalayo ang format nito sa pinalitang programa.

SEEN : Ginastusan at matagal na pinag-isipan ni Daniel Matsunaga ang birthday gift para sa kanyang girlfriend na si Heart Evangelista.

SCENE : Ang bad lighting ng Home for Valentine’s, ang Valentine TV special ni Charice sa GMA 7.

SEEN : Ang bad reviews sa  amateurish  presentation ng Home for Valentine’s.

SCENE : May sakit si dating Kalookan Mayor Macario Asistio, ang long time companion ni Nadia Montenegro. Si Nadia ang personal na nag-aalaga sa kanyang mahal.

SEEN : Obvious ang magandang pagtitinginan at “relasyon”  nina Francine Prieto at Bobby Yan sa kanilang midnight radio show sa dzMM.

Scene : Ang Nita Negrita ang unang afternoon TV drama series ni Rachelle Ann Go. Late si Rachelle sa presscon ng Nita Negrita.

Show comments