Mga titillating na eksena sa Kristine ginagaya ng Beauty Queen

Seen : Ang pag-amin ni Sharon Cuneta na naranasan niya ang liposuction procedure ngunit bumalik din sa dating hugis ang kanyang katawan.

Scene : Thea Megia ang pangalan ng Pilipina na nakapasa sa audition ng American Idol Season 10.

Seen : Primetime Hunk ang label ng GMA 7  kay Aljur Abrenica at Action Prince ang tag ng ABS-CBN kay Gerald Anderson. Sina Aljur at Gerald ang pinagtatapat ng kanilang mga mother studio.

Scene : Tinatapatan ng Beauty Queen ng GMA 7 ang titillating at sexy scenes ng Kristine ng ABS-CBN.

Seen : Nita Negrita ang pamagat ng next TV project ni Barbie Forteza sa GMA 7. Pang-hapon ang Nita Negrita.

Scene : Nag-isip nang matagal si Gwen Zamora bago niya inamin na binigyan siya ng iPad ni Se­nator Bong Revilla, Jr. bilang Christmas gift.

Seen : Mali-mali ang English grammar ng mga police officer na mahilig magsalita sa TV.

Scene : Bumalik na si Cindy Kurleto at ang kanyang baby girl sa Lima, Peru noong nakaraang linggo.

Show comments