Sharon 'di sinipot ang kasal nina Ogie at Regine

Seen : Unseen si Sharon Cuneta sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Ninang sa kasal si Sharon ngunit hindi siya nakarating dahil sa “wardrobe malfunction.”

Scene : Ninang si Dra. Vicki Belo sa Ogie-Regine wedding. “Wardrobe malfunction” sa kanyang Monique Lhuillier ang dahilan na sinabi ni Dra. Belo kaya hindi siya nakasali sa wedding march.

Seen : Nagkita-kita sa Ogie-Regine wedding ang mga dating magkakarelas­yon at magkakaaway sa showbiz.

Scene : Exclusive sa GMA 7 ang coverage ng kasal nina Ogie at Regine kaya dinedma ito ng ABS-CBN.

Seen : Malaki na ang improvement ng balat ni Jovit Baldivino dahil sa regular na pagbisita niya sa Belo Medical Clinic. Acne free na ang mukha ng unang winner ng Pilipinas Got Talent.

Scene : For General Patronage ang Father Jejemon. Vindicated si Dolphy dahil maaaring panoorin ng mga bata at matatanda ang kanyang pelikula na inireklamo ng mga Katoliko.

Seen : “Ginaya” sa kuwento ng pelikulang Connie and Carla ang plot ng I Heart You Pare. Nagpanggap na drag queen sa Connie and Carla si Nia Vardalos dahil sa pagtatago niya sa isang sindikato at ganoon din ang role ni Regine Velasquez sa I Heart You Pare.

Show comments