Robin at Mariel nakabalik na ng 'Pinas
- Ni SVA () - November 23, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakabalik na pala ng bansa ang mag-asawang Robin at Mariel Padilla kahapon ng madaling araw.

Halos tatlong linggo rin ang mag-asawa sa India para sa ginawa nilang pelikula na si Robin mismo ang producer at director at balitang isinabay na ang kanilang honeymoon. Pero kahit madaling araw sila dumating, pinagkaguluhan pa rin daw sila sa NAIA.

Teka bakit nga ba mukhang tahimik ang pagdating nila?

 Maraming sasaguting intriga ang mag-asawa sa pagbalik nila ng bansa.

Isa na rito ang tungkol sa kung sinong produ ang nakabili ng kanilang ginawang pelikula.

Sasabak na rin si Robin sa gagawin nilang project together ni Bea Alonzo matapos niyang tanggihang maka-partner si Toni Gonzaga.

Nakabuo na rin daw sila sa India.

*    *    *

Ang sipag mag-promote ni Mother Lily Monteverde ng mga pelikula ng Regal Films na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Siya mismo ang tumatawag.

Kung sabagay, promising ang mga pelikula ng Regal na ka-join sa MMFF kaya kahit si Madera ay excited.

Anyway, sasabak sa kababalaghan at katatakutan ng tatlong bagong prinsesa ng horror films na sina Shaina Magdayao, Andi Eigemann at Carla Abellana sa mas nakahihindik na Shake, Rattle & Roll na nasa ika-12 bersiyon ngayong taon.

Piniling mabuti ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ang kuwentong babagay sa katauhan nina Shaina, Andi, at Carla para naman daw hindi mabigo ang manonood na laging nag-aabang sa takot at  sindak na dala ng SRR kahit Araw ng Kapaskuhan.

Nasa histura kasi ng tatlong batang aktres na palaban pagdating sa intriga at personal na problema sa buhay pero pagdating sa mga balitang multo, takot ang nararamdaman nila.

Gaya ni Shaina na bida sa episode na Manyika. Isa siyang anak na nagrebelde sa kanyang ama na ginampanan ni Ricky Davao. 

Naging daan ang isang manyikang kanyang napulot sa isang sementeryo katabi ng puntod ng inang namatay (Jackie Lou Blanco) upang maging laruan niya.

Lingid sa kaalaman niya, nagmula ito sa isang mahiwagang babae at kontrolado ng evil spirit!

Eh, sa totoong buhay, takot pala sa manyika si Shaina kaya kapag natatapos ang eksena niya kasama ang props na doll, agad niya itong itinatapon at ibinabalik sa katinuan ang sarili.

Minsan nga raw, napapanaginipan niya ang gamit na manyika sa movie.  

Ang tsimis nga sa set, kamukha raw kasi ng isa sa ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz ang manyika.

Si Andi naman ang tampok sa Isla Engkanto episode.

Pa­libhasa sumikat sa TV series na Agua Bendita, may eksena rin ang anak ni Jaclyn Jose sa dagat at nagtatanong ng kanyang kapalaran sa pag-ibig. Eh sa episode niya, magkakagusto sa kaya ang hari ng mga engkanto at sa pinagsyutingan nilang lugar, tunay daw na pinamumugaran ng mga engkanto, huh!

Kaya naman daw si Andi, sa mga eksena niyang kaulayaw ang engkanto sa movie, naramdaman nilang sinaniban daw ito kaya parang true to life ang eksena niyang nilalambing ng engkanto.

Biggest break naman ni Carla sa movie ang Punerarya episode.

Enjoy naman siya sa paggawa ng SRR pero dinale siya ng takot sa isang eksena niya sa movie. Nang kanyang silipin ang mga hiwagang nagaganap sa puneraryang pinagtatrabahuhan ni Sid Lucero, napatalon talaga ito sa kanyang nakita at napilayan habang tumatakbo sa mga maligno.

AGUA BENDITA ANDI ANDI EIGEMANN BEA ALONZO CARLA CARLA ABELLANA SHAINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with