TESDA wala pang ipapalit kay Sarah

Wow! napakalaki naman pala ang di­u­mano’y hala­gang ibinayad ng Tech­­nical Education and Skills Deve­lopment Authority o TESDA sa Pop Prin­­­cess na si Sarah Geronimo nang ito ay maging endorser nila.

Sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng nasabing ahensiya ng gobyerno nga­yon na nasa pamumuno ni Joel Villa­nueva gusto sana nilang kumuha ng bagong endorser para maipaabot sa lahat ang kahala­gahan ng voca­tio­nal edu­cation, sa halip na isang four o two year deg­ree cour­ses, layunin ng bagong adminis­tras­yon ng TESDA na madag­dagan ang em­ployability ng mga tech­nical - vocational graduates sa kabila ng na­pakalaking ibi­naba ng kanilang budget, P700M ngayon, kumpara sa mga nakaraang taon na P5.5 B, na kalimitang gi­nu­gugol para sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) at sa mga nabibigyan ng Private Education Student Financial Assistance (PESFA).

Ang mga graduates ng TESDA ay inaasahang mabibigyan ng trabaho  bilang wage employee o kaya naman ay self employed makatapos ang pinaka-matagal na ay isang taong training.

“We will work harder para masiguro na ang mga scholars ng TESDA ay mabigyan ng kaalaman at praktikal na kakayahan ng aming mga tech-voc prog­rams para maihanda sila ng husto sa kanilang pagtatra­baho dito man o sa ibang bansa,” anang batang director general ng TESDA na tat­long ulit na­ging congressman at minsang na­ka­­sa­lamuha na ng mara­ming en­tertainment wri­ters nang ma-involve ito sa pag­gawa ng indie films.

*    *    *

Isang Pinay singer na mahigit 10 taon ding ku­manta sa Malaysia ang nagpasyang guma­wa ng al­bum at pansaman­talang manatili muna ng bansa para sa pro­mos­yon nito. Siya si Maggie Trinidad, tina­guriang Asia’s Diva na ang debut album na Back Home ay ini-release na ng Mamarazzi Enter­tain­ment Production.

Ang album ay naglalaman ng anim na original compositions (Basta’t May Himig, Pahiwatig, The Only One, Nais Kong Malaman Mo at Basta Mag-Rock ‘N Roll) at ang isa na siya mismo ang nag-com­pose (Dark Clouds) at dalawang revivals, ang Hoy Mister Ligaw Tingin at Sumigaw Ka Na Lang na parehong pinasikat nun ni Paula Luz.

Show comments