Samantha Lopez matanda na para magpa-sexy

Seen : Nawala kahapon sa taping ng Yaman ni Lola ang cell phone ni Fabio Ide. Upset na upset ang Brazilian-Japanese model sa nangyari.

Scene : Magkatimbre ang singing voice nina Sarah Balabagan at Nora Aunor. Twelve years old na ang anak ni Sarah sa isang personalidad sa media.

Seen : Live ang coverage kahapon ng ANC sa hostage-taking  situation sa Quirino Grandstand. Si Manila Vice Mayor Isko Moreno ang unang nagsabi na mga Hong Kong national ang mga hostage ng dating pulis na si Rolando Mendoza.

Scene : Live na ipinalabas kahapon sa CNN ang hostage taking incident. Pumangit na naman ang imahe ng Pilipinas sa paningin ng buong mundo.

Seen :  Ipalalabas sa September 11 ng The Society of Filipino Archivists for Film sa Tanghalang Manuel Conde ng Cultural Center of the Philippines ang 1967 movie na Masquerade. Si Danny Zialcita ang direktor ng pelikula at siya ang special guest sa gaganaping screening.

Scene : Gamit na gamit si Tim Yap sa mga pub­licity ni Mr. Fu.

Seen : Ang provocative pictorial ni Samantha Lopez. Hindi na bagay sa edad ni Samantha ang mag-pose ng sexy.

Scene : Kahapon ang unang araw ng taping ng Love Bug episode na tinatampukan nina Lovi Poe at Mark Anthony Fernandez. Minamadali ang taping dahil sa August 29 ang airing ng Mark-Lovi episode.

Show comments