Katawan ni Francine parang higante

Seen : Nagmumura ang cellulites sa mga binti nina Jean Garcia at Eula Valdez nang rumampa sila sa FHM party noong Huwebes.

Scene : Hindi maganda sa paningin ang malaki at bukol-bukol na puwit ni Francine Prieto. Nagmistu­lang higante si Francine sa kanyang one piece black swimsuit.

Seen : No names ang karamihan sa mga babae na rumampa sa FHM show. Si Angel Locsin ang biggest star dahil siya ang number 1 sa listahan ng Sexiest Women sa Pilipinas.

Scene : Feel na feel ni Racquel ang celebrity status ni Charice nang mag-guest ito kahapon sa Uma­gang Kay Ganda. Si Raquel ang nanay ni Charice na takaw-kontrobersiya.

SEEN : Dedma ang tao sa pagrampa ni Katrina Halili. Hindi na siya pinansin at pinalakpakan. One of those na lang siya sa mga kasamang rumampa sa FHM party.

SCENE : Matamlay ang audience ng FHM party. Kung noon ay nagkakagulo ang kalalakihan sa mga rumarampa, ngayon mahina na ang palakpakan. 

SEEN : Kamukhang-kamukha ni Andi Eigen­mann si Angel Locsin. Mapagkakamalan silang mag­kapatid.

Show comments