Pops at Martin 'bubuhayin' ng TV5

Personal na tinanggap ng superstar na si Nora Aunor ang kanyang pinakabagong international award mula sa Green Planet Movie Awards (dating Green Globe Film Awards) na ginanap sa Westin Bonaventure Hotel sa Los Angeles, California nung nakaraang Martes (March 23) ng gabi sa isang sit-down dinner gala at awards ceremony na nagsimula ng alas-7:20 ng gabi pagkatapos ng 6:30 p.m. cocktail reception sa nasabing hotel.

Si Guy (Nora) ang nanguna sa sampung pinarangalan ng 10 Best In­ternational Actresses of the Decade. Sinamahan si Guy sa nasabing gabi ng parangal ng dating Indian matinee idol na si Sajid Khan.

Matapos ma-postpone ang kanyang Canada concerts series na nakatakda sanang maganap sa buwang ito, bumalik ng Los Angeles galing Canada si Guy para magpahinga. Since na-reset ang kanyang Canada shows, malamang na ma-delay din ang kanyang pagbabalik.

May mga ongoing negotiations na rin para sa mga proyektong gagawin ni Guy sakaling bumalik ito ng Pilipinas at kasama na rito ang pelikula, TV series, recording at concerts. Meron ding isang kilalang product line na gus­to ring kunin ang serbisyo ni Guy.

Samantala, narito ang nilalaman ng acceptance speech ni Guy sa Green Planet Movie Awards :

“Having been nominated with some of the finest performers in the Asian region is already a big honor for me. In the past years, I was not as active in the movies as I had been in the previous decades. This recognition must also be your appreciation of my lifework in the field of cinema. It is with great enthusiasm that I’m receiving this award in the hope that this could bring further world attention to Philippine cinema. Moreover, I am happy that this award could bring a lot of joy to the movie lovers all over the world who voted for me, especially to my fans who believe in my talent and love me unconditionally. I couldn’t thank them enough for standing by me through all these years.

* * *

Ano kaya’t ang TV5 ang makaisip na muling buhayin ang tandem sa telebisyon ng estranged couple na sina Pops Fer­nandez at Martin Nievera?

Kung matatandaan pa, Pops and Martin made history sa telebisyon nang sila’y magtambal noon sa Penthouse Live ng GMA 7. Dito nabuo hindi lamang ang tandem ng dalawa kundi maging ang kanilang loveteam hanggang sa sila’y magkatuluyan bilang mag-asawa.

It would be a nice idea kung muling pagsasamahin sa telebisyon sina Pops at Martin na parehong hasa sa larangan ng paghu-host.

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments