Iza nagluluksa!

Seen : Walang gaanong ingay ang laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey. Hindi inte­resado ang Filipino fans ni Manny na panoorin ang kanyang darating na laban dahil nalalayuan sila sa Dallas, Texas.

Scene : Nagluluksa ang ama ni Iza Calzado da­hil namatay ang kanyang asawa. Kanser ang iki­­namatay ng stepmother ni Iza at ibinurol ang labi nito sa Mount Carmel Church, QC.

Seen : Ang 23-year old nurse at part-time model na si Alvin de Joya ang nanalo ng 2010 Mr. World Philippines title. Napanood sa Master Showman noong Sabado ang grand final night ng Mr. World Philippines.

Scene : Mga kanta ni Francis Magalona ang ga­gamitin sa mga dance number sa Shall We Dance sa Linggo. Ito ang tribute ng Shall We Dance sa yumaong singer/rapper.

 Seen : Ang panawagan ni Andi Eigenmann na huwag maniwala sa mga balita na lumalabas sa mga diyaryo dahil malapit na siyang lumabas sa Agua Bendita.

Scene : Nagpalit si Shaina Magdayao ng cell phone number upang hindi na rin siya maka­tang­gap ng mga hate text messages.

Seen : Ang box-office report ng Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Philip­pine cinemas mula February 24 hanggang February 28.

Show comments