Chito Miranda hindi nakakatulong kay Angel Locsin

Seen : Ang ilong ni Aljur Abrenica na pinag­bintangan na retokado. Pinisil-pisil ni Aljur ang kan­yang ilong upang patunayan na hindi ito peke.

Scene : Sa March 17 ang 36th birthday ni Pao­­lo Bediones at sa March 14 ang maiden telecast ng kanyang bagong show sa TV5. Perfect birthday gift kay Paolo ang kanyang show.

Seen : Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng Miss You Like Crazy. Nasanay na si Cathy na nakikisali sa mga TV guesting ng mga artista ng kan­yang pelikula.

Scene : Nahihirapan ang PBB Double Up runner up na si Paul Jake Castillo sa pag-arte at me­mo­rization ng kanyang mga dialogue sa taping ng Your Song.

Seen : Si Lea Salonga sa New York. Nag-cele­brate si Lea ng 39th birthday noong February 22 sa kanyang favorite city sa buong mundo, ang New York.

Scene : Hindi makakatulong kay Angel Loc­sin ang pagli-link sa kanya kay Chito Miranda.

Seen : Si Yasmien Kurdi sa kanyang rare TV appearance sa Final Judgment ng Starstruck V. Hindi naitago ng black dress ni Yasmien ang ma­lu­sog niyang katawan.

Show comments